Patay-sindi
ni Wika Nadera
Patay-sindi ang ilaw sa katawan ng mga biktima. Nakabubulag, nakapapaso, at sa ilan,
nakakakuryente. Sa baba ng tatsulok na binubuo nito ay mga taong nakikidalamhati, nagagalit,
at nakiki-alsa. Sa bawat pagpatay ay may sumisinding apoy na tuluyang umaalab at lumalaki.
Base sa exsenang pagpatay kay Jules sa pelikulang βDekada 70β ni Lualhati Bautista.