Agam agam ng isang pobre. Katanungan ba dapat iyan?
ni Cultoftheself
Ang pagsuko ng iyong buhay o ang pagsuko para mabuhay? Mabigat na katanungan na walang nararapat na kasagutan.
Sa agam agam ng isang pobre, ang hustisya at karapatang pantao ay para lang sa may pinanghahawakang kapangyarihan.
Ano ang kahalagahan ng buhay sa kamay ng hindi makataong pamamahala?
Kung ang katumbas ng disiplina ay batas na mapang abuso at hindi makatarungan,
Ayokong maging parte nito.
May halaga ang buhay, maging sa isang pobre.
About the Artist
Kamalayan at rebelyon ng pariwarang kaisipan